San Judas Thaddeus

Patron ng pag-asa at mga bigong layunin

by Padre Juan Lozano, CMF

Sa lahat ng mga kamangha-manghang mga bagay na ini-ugnay kay San Judas, sa loob ng maraming taon marahil ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng napakaraming deboto sa kanya. Kahit ang mga dakilang santo ng Simbahan (San Ambrose, San Jerome at lalo na si San Bernard ng Clairvaux) ay nagsulat ng kahanga hangang salaysay tungkol kay San Judas. Ang iba, tulad ni Santa Brigid ng Sweden ay isa sa mga kilalang deboto ni San Judas. Gayunpaman, ang debosyon kay San Judas ay hindi pa talaga laganap hanggang ika-20 siglo. May mga naniniwala na hindi siya ganoong kilala dahil hindi alam ng mga tao ang pagkakaiba nila ni Judas Iscariote na siyang nagtaksil kay Kristo. Anumang rason, ang tanyag na debosyon kay San Judas ay hindi na bago, sapagkat ito ay naging isa sa mga may pinaka malakas na debosyon sa Simbahang Katoliko bukod kay Birheng Maria, ang Ina ni Hesus.

SJ Patron Of Difficult Causes

Sino si San Judas Tadeo?

Sino ang santo na ito na naging inspirasyon ng labis na debosyon, ang santo kung saan maraming tao ang humihingi ng tulong hanggang ngayon?

Si San Judas ay isa sa Labing dalawang Apostol, kapatid ni Santiago na anak ni Alfeo, isang mysteryosong tao sa maraming paraan. Makikita siya sa Ebanghelyo bilang isang tahimik na tao na tila hinahangad na maging kaloob ang buong pagkatao kay Kristo. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit siya ay nanatiling hindi kilala sa loob ng maraming siglo.

Gayunpaman, sa mga panahong lumipas mula nang namatay si Hesus at ang mga apostol, ayon sa maraming tradisyon at alamat na lumitaw hinggil sa buhay ni San Judas, at sa mga pinag-tutumping mga impormasyong mula sa mga manananalaysay, ay nagkaroon ng maliwanag na pag-unawa sa buhay ng dakilang santo. Hindi namin layunin na ipakita ang isang eksaktong kasaysayan ng siyentipiko ni San Judas, kahit na maingat nating sinuri ang mga datos na nakolekta sa kanya. Kundi, nais namin mag-alay ng isang gawaing debosyonal na tagubilin para sa mambabasa.

Sina San Judas at San Santiago, anak ni Alfeo ay ipinakita sa Ebanghelyo bilang “mga kapatid ni Hesus.” Ang pananalitang ito sa wikang Hudyo ay nangangahulugang may kaugnayan sila or magpinsan. Nang matuklasan ng mga tao sa Nazaret ang mahusay na karunungan at mapaghimalang mga kapangyarihan ni Hesus, sa mangha at kawalang-paniwala, nagsimula silang magtanong sa isa’t isa: "Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon?” (Marcos 6:3 at Mateo 13:35) Dahil dito ay tila nakilala si Judas sa rehiyon ng Nazaret. Sa listahan ng labindalawang apostol sa Ebanghelyo ni Marcos, si Santiago, ang anak nina Alfeo, ay inilarawan na magkasama sila ni Judas (Marcos 3:18 at Mateo 10:3). Ang sulat na iniugnay kay San Judas ay nag lalarawan na siya ay “isang tagapaglingkod ni JesuKristo at kapatid ni Santiago.” (Judas 1:1). Ito siguro ang dahilan kung bakit tinawag siyang “Judas na kapatid ni Santiago.” Ang pahayag na ito ay dapat bigyang kahulugan bilang Judas na kapatid ni Santiago sa halip na anak ni Santiago. Sapagkat si Santiago ay mas kilala at isang lubos na iginagalang na tao sa Simbahan sa Jerusalem. (Lucas 6:16 at Gawa 1:13).

May isa pang sipi mula sa Ebanghelyo nagpapahayag na ang ina nina Santiago at Judas ay pinangalanang si Maria. Sinundan niya si Hesus sa panahon ng kanyang ministeryo sa Galilea at hanggang sa paanan ng krus, sa oras ng kamatayan ng Tagapagligtas (Marcos 15:40 at Mateo 17:56). Kaya samakatuwid si Maria, ina nina Santiago at Judas, ay hindi lamang isang malapit na Kamaganak kundi siya rin ay isang matapat na alagad ni Kristo hanggang sa oras ng Kanyang kamatayan sa krus. Nabanggit sa Ebanghelyo ni Juan ang isang Maria, asawa ni Cleofas, nakatayo malapit sa krus malapit sa Ina ni Hesus na puno ng kalungkutan ( Juan 19:25). Maraming pagsisikap upang maisaayos ang iba’t ibang mga kwento ng Ebanghelyo, sinubukan ng ilan na ipakita si Maria asawa ni Cloefas bilang ina nina Santiago at Jose (at samakatuwid ina ni Judas). Gayunpaman, ang interpretasyong ito ay nagdulot ng isang problema; ito ay ang ama nina Santiago at Judas ay tinatawag ring Alfeo ngunit wala namang iminumungkahi na mayroon siyang dalawang pangalan. Gayun din sa pangalan ni Maria, isang pangkaraniwang pangalan. Malinaw din, na ang listahan ng mga kababaihan na nakasaksi sa pasyon ng Panginoon ay hindi kumpleto. Nag-iiba ito sa bawat tradisyon ng ebanghelista. Posible na si Maria, ina nina Santiago at Judas, ay naroroon sa oras ng pagkamatay at pasyon ng Tagapagligtas. Sa Ebanghelyo ni Juan hindi lamang si Maria ang ina ni Hesus, kundi pati na rin ang ibang mga kababaihan na sumama sa kanya at naging mga modelo sa mananampalataya.

Si Judas ay pinangalanang ‘‘Tadeos’’ sa mga Ebanghelyo ni Marcos at Mateo, marahil upang makilala siya mula kay Judas Iscariote, ang taksil. Si Judas Tadeos at Judas Iscariotes ay magkatulad na pangalan sa Aramaic (Yehuda) at sa Greek (Cloudas). Sa ilang mga lumang kopya ng Ebanghelyo ni Mateo, si Judas ay pinangalanang “Tadeos.” Ang pangalang ‘‘Tadeos ’’ ay tila nagmula sa Aramaiko na pandiwang “taddal” na nangangahulugang “isang may malaking puso’’ (isang taong mapagbigay o matapang). Habang ang “Tadeos” ay galing sa salitang Hebreo na “feb” (puso) na nangangahulugang taos-puso. Gayonpaman, ang dalawang pangalan ay tila nangangahulugan ng parehong bagay.

Bilang isang pinsan ni Hesus, marahil ay ipinanganak at lumaki siyang malapit sa Panginoon. Pareho silang nanirahan malapit sa Nazaret. (Marcos 6:3). Gayunpaman, hindi natin alam kung sino ang unang pinanganak sa kanila, pwede rin na sila ay magka pareho ng edad. Maaaring tumugtog ang dalawa sa bahay ni Jose o ni Alfeos; parehong dumalo sa sinagoga at ang mga pagpupulong na ginanap doon kasama ang kanilang mga magulang; parehong lumaki sa buhay na kamanghamanghang ganda ng mga bukid sa Galilea, sa awit ng mga ibon at sa damdamin ng mga karaniwang kabataan. Sinasabi dito na si Hesus ay lumaki sa karunungan at sa edad na pumapabor sa Diyos at ng kanyang mga Tao (Lucas 2:52). Ang kanyang pagka-tao ay nailahad sa ilalim ng isang ilaw na gumabay sa kanya sa napakalaking pag-ibig at paggalang sa Ama nasa langit. Marahil nasaksihan ni Judas ang perpektong paglaki ni Hesus.

Tulad ng anumang mabuting Hudyo noong araw, si Judas ay tiyak na marunong mag kalakalan. Ang mga Hudyo ay laging inaatasan na mag trabaho tungo sa pag-unlad ng mundo. Karagdagang kaalaman, ang ilang mga kundisyong panlipunan ay kinakailangang magtrabaho nang husto upang mapanatili ang isang katamtamang pamantayan ng pamumuhay. Hindi natin alam kung anong uri ng trabaho meron si Judas. Pero, posibleng nakatanggap si Hesus ng mabuting balita na ang kanyang pinsan na si Judas ay ikakasal. Sa mata ng mga Hudyo, ang kasal ay isang relihiyosong tungkulin at hindi bihira sa isang lalaki na magpakasal malapit sa kanyang ika-18 kaarawan. Nang maglaon, ang tradisyon ng Simbahan ay inilarawan si Juan bilang isang birhen na alagad, maliban sa iba pang mga miyembro ng labindalawang apostoles na may-asawa. Walang alinlangan na dumalo si Hesus sa mga kapistahan ng kasal kasama ang mga malapit na kamag-anak at kaibigan ng nobyo. Ang kasintahang babae, na natatakpan ng mga hiyas at katamtaman na nababalot, ay dinala sa bahay ni Judas habang may kantahan at sayawan. Nagsidatingan ang mga tao at umalis din pagkatapos. Tiyak na napangiti si Hesus nang makita ang kaligayahan ng kanyang pinsan. Nang maglaon, ang mga iyak at luha ng mga bata ay maririnig sa bahay ng anak ni Alfeos.

SJ Friend Of Jesus

Ang Disipulo at Kaibigan ni Hesus

Nang si Hesus ay halos tatlongpung taong gulang, iniwan niya ang kanyang pamilya at nagtungo sa Judea kung saan si propeta Juan ay nagpapahayag ng papalapit na ang “araw ng Panginoon” at binibinyagan nito ang sino man ang mga magbalik-loob sa Diyos. Si Hesus ay nabautismuhan din ni Juan sa Ilog Jordan. Bumalik Siya sa Galilea makalipas ang ilang sandali upang simulan ang paglalakbay at ministeryo. Ipinahayag niya ang pagdating ng kaharian ng Diyos (ang mapagpasyang interbensyon ng Diyos sa kasaysayan ng tao upang mailigtas ang lahat). Inanyayahan niya ang mga tao na magbalik-loob, upang tanggapin ang biyaya na ibinibigay ng Diyos sa kanila. Ito ay isang nagpapalayang mensahe na naiiba kay Juan na siyang nagpapayahag ng awa ng Diyos. Ipinahayag ni Hesus ang kapatawaran ng mga kasalanan at ang pagpapagaling ng maraming may sakit. Ang biyaya ng Diyos ay tunay na nakikita sa kanila.

Di kalaunan nagsimula si Hesus maghanap ng mga kasamang makakatulong sa kanya sa pagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos. Isang pangkat ng mga taga-Galilea, mga kalalakihan at mga kababaihan, ay simulang sumunod sa kanya at naging kanyang mga alagad. Si San Judas at si Maria, ang kanyang ina, ay kabilang sa kanila na dumating at pumunta upang tulungan si Hesus, ang kanilang Guro, sa kanyang ministeryo. Kailangang mag sakripisyo ni Judas na iwan ang kanyang asawa at mga anak. Mula noon, dahil sa pananalig niya sa mensahe ni Hesus, siya ay nangunguna sa lahat. Kasama sina Pedro, ang dalawang Santiago, Juan, Maria Magdalena at iba pang mga kababaihan tulad ng biyuda ni Cusa. Maraming bagay na natutunan si Judas mula kay Hesus hingil sa awa at kalooban ng Diyos nating Ama sa langit, sa pagigingbukas-palad, sa pag-ibig sa kapwa, at lalong-lalo na sa pagmamahal sa mga makasalanan, sa mga tinanggihan at may sakit. Pumasok siya kasama si Hesus hindi lamang sa mga sinagoga kundi pati na rin ang mga bahay ng mga maniningil ng buwis. Naglalakbay siya sa mga maalikabok na kalsada ng Galilea at sa nakapaligid na lugar. Nakaupo siya kasama si Hesus sa tabi ng lawa ng Genesaret. Kadalasan ay pinoprotektahan niya ang kanyang pinsan mula sa nagdagsaang tao. Ito ang panahon na para siya ay hubogin na maging apostol.

Si Judas ay naging mas matatag na kaibigan ni Hesus. Sinasabi sa atin ni Marcos na tinawag ni Hesus ang Labindalawang Apostol “upang makasama niya” (Marcos 3:14). May malalim na ugnayan sa pagitan ni Hesus at ng mga kalalakihan na nagbahagi ng kanyang gawain at pagod, umaasa at naniniwala sa biyaya ng Kaharian ng Diyos. Sinasabi sa atin ni Marcos na sa isang pagkakataon sinabi ni Hesus na ang kanyang tunay na pamilya ay binubuo ng mga tao tulad ng kanyang mga alagad, mga kalalakihan at kababaihan na sumosunod sa kalooban ng Diyos at tinanggap ang pahayag na ang kalooban ng Ama magliligtas sa atin. (Marcos 3:33-34). Si Judas na malapit na kamag-anak ni Hesus ay naging kapatid niya sa Espiritu.

 

Ang ministeryong biyaya ng Diyos

Isang araw, pinatipon ni Hesus ang labindalawang apostol at pinapunta sila sa mga kalsada upang ipahayag ang pagdating ng Kaharian ng Diyos at upang maipakita ang Kaharian na ito sa pamamagitan ng pagpapagaling ng mga maysakit (Marcos 6:7 at Mateo 10:6-8). Umalis sila nang dala-dalawa. Hindi natin alam kung sino ang kasama ni Judas sa kanyang unang ministeryo. Ipinahayag nila sa mga bayan at nayon ang kaligtasan na inaalok ng Diyos. Inanyayahan nila ang mga taong nakikinig sa kanila na mag bago. Pinagaling nila ang maysakit at tinanggap ang mabuting pakikitungo sa mga tumanggap sa kanila, subalit hindi sila tumatanggap ng anumang kabayaran kapalit ng kanilang ministeryo. Higit sa lahat, inihatid nila ang kanilang mensahe sa nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel at ipinahayag nila si Hesus.

Ang kanilang karanasan ay magkaparehu sa pitumpung mga disipulo sa tanging ulat ni Lucas (Lucas 10:17-20). Bumalik sila mula sa kanilang misyon na may galak. Hinarap nila ang mga demonyo, gumaling ang mga maysakit nang tinawag nila ang pangalan ni Hesus.

 

Ang Maralita at Mahinang mga Disipulo

Gayunman, may araw din na pumunta si Hesus sa Jerusalem na walang takot. Ang mga alagad ay nagsimulang mag-alala dahil may banta sa mga sinabi ni Hesus. Ang isa sa kanila, si Pedro, ay sinubukan na kumbinsihin si Hesus upang hindi na magpatuloy pa. Ngunit, sa huli, sumonod rin si Judas gaya ng iba pang disipulo sa Kanya. Nasaksihan nila ang pagpasok ni Hesus sa banal na lungsod ng Jerusalem at sa templo. Inihanda nila ang pagkain ng Paskuwa at sila ay nakaupo sa hapag ng Panginoon para sa huling haponan na kasama Siya. Nais ni Hesus na ang pagkain na ito ay maging simbolo ng piging ng Kaharian ng Diyos. Sa pamamagitan ng hapag na ito, nais niyang maging tiyak na kaisa siya sa kanyang mga alagad sa harap ng Ama. “Ang tinapay na aking pinaghati hati ay ang aking katawan. Ang tasa ng alak na ito ay ang aking dugo. Kumain at uminom kayo. Sa ibang helyo ni Juan, ang tanong ni Judas kay Hesus ay nakakatatak sa utak ng mga Kristiyano: “Panginoon, bakit po ninyo ihahayag ang inyong sarili sa amin, at hindi sa sanlibutan? ( Juan 14:22). Sumagot si Hesus sa kanya, “Sinumang nagmamahal sa akin ay tutupad sa aking salita, at maninirahan kaming kasama niya ( Juan 14:23). Hindi rin naiintindihan ni Judas o ng iba pa, sa sandaling iyon, ang malalim na kahulugan ng mga kilos at mga salita ng pag-ibig. Mauunawaan lang nila ito kapag nabuhay na muli si Hesus at natanggap na nila ang Banal na Espiritu. Si Hesus ay dinala ng bilanggoan makalipas ang ilang oras. Si Judas na kanyang pinsan ay natatakot para sa kanyang sariling buhay kaya ito ay nagtago. Habang, ang ina ni Judas at ang iba pang mga kababaihan ay nakapaligid sa mapagpalang ina ni Hesus at nasaksihan ang trahedya ng krus. Ang mga kababaihan ang unang nagpahayag ng mensahe ng muling pagkabuhay sa mga kalalakihan na ito (na nagtago).

 

Buhay at Alamat

Mula sa puntong ito, ang buhay ng mga kalalakihan at kababaihan na sumonod kay Hesus ay unting-unting nawawala. Alam natin ang ilang mga katotohanan tungkol kay Pedro o Santiago na anak ni Alfeo kaysa tungkol sa ibang apostol. Ngunit, kilala yong iba sa pag laan ng kanilang buhay sa pagsunod kay Kristo. Sila ay uma asa sa pagbabalik ni Kristo. Naniniwala sila na ang kaganapang ito ay magaganap sa lalong madaling panahon. Ang mga tagasunod ng kulturang Hellenic na hindi gaanong kaakibat sa mga tradisyon ng mga Hudyo, ay biktima ng pag-uusig kagaya ni Esteban na pinagbabato hanggang sa kamatayan. Si San Judas ay madalas na nagtipon kasama ang iba pang mga saksi sa muling pagkabuhay ni Hesus at iba pang mga mananampalataya upang alalahanin ang ministeryo ni Hesus at ipagdiwang ang Eukaristiya. Ang presinsiya ng muling pagka buhay ni Kristo ay masigasig na naranasan nila. Ang ilang mga tagasunod ng kulturang Hellenic na may mga problema sa Jerusalem ay nagsimulang mag-e-ebanghelyo sa Samaria. Ang mga problema sa pagsasama ng mga Hentil sa isang Simbahan na nabuo ng mga Hudyo ay lumitaw. Ang digmaan ng paghihimagsik laban sa Roma at ang pagkawasak ng Jerusalem ay mga malungkot na pangyayari para kay San Judas at sa iba pang mga alagad. Gayunman, ang karanasan na ito ay nakatulong sa kanila para maunawaan ang pansansinukubang misyon ng Simbahan.

Sa mga sandaling ito ang buhay ni San Judas ay nababalot ng mga alamat. Isa sa mga pinakatanyag na alamat ay ang pagpapagaling ni Abarago, hari ng Edessa sa Mesopotamia. Sinasabing ang mga pagpapagaling na ginawa ni Jesus ay nakarating sa hari. Nagpadala si Abarago ng isang Ananias upang anyayahan si Hesus na dalawin siya. Ayon sa kwento, inanyayahan ni Hesus si Abarago na magkaroon ng pananampalataya at, sa paglaon, ang isa sa kanyang mga alagad ay pupunta upang bisitahin ang hari. Nahikayat si Abarago sa tugon na ito at nagpadala ng isang pintor upang ipinta ang larawan ni Hesus. Ngunit ang pintor ay nahirapang magpinta. Naawa si Hesus kaya naglagay siya ng isang balabal sa kanyang mukha at ang kanyang larawan ay nakalimbag dito. Ito ay isang kwento na kahanay sa tradisyon ng mukha ni Hesus na nakalarawan sa tabing ni Veronica. Ang tanyag na tradisyon na ito ay hindi nagsasabi kung sino ang nagdala ng larawan ni Hesus kay Abarago. Ngunit sinabi dito na si San Judas mismo ay nagpunta kay Edessa. Ang kanyang pag-eebanghelyo at pagpapagaling ng maraming may sakit ay nagtulak sa marami na magbalik loob sa ibanghelyo. Matatagpuan sa tradisyon na ito noong 325 AD sa isa sa mga pinakaunang mananalaysay sa Simbahan, Eusebius, obispo ng Cesarea. Sinasabi ni Eusebius na isinalin niya ito mula sa Syriac hanggang Greek. (Kasaysayan ng Eklesikal I, kap. 13 at II, kap. 1).

Mula sa alamat na ito ang tradisyon na nagpapakita na si San Judas ay may isang imahe ni Kristo sa kanyang puso. Dahil dito, sa loob ng maraming siglo, marapat lang na ilarawan ni San Judas, ang taong malapit kay Jesus simula pa noong una, ang imahe ng kanyang pinsan at kanyang guro na malapit sa kanyang puso.

 

Pakikipagsapalaran sa Persia

Ang isa pang kuwento tungkol kay San Judas ay naganap habang siya ay nasa Persia kasama si apostol Simon. Pinagdidiwang ng simbahan ang kapistahan ng dalawang apostol sa Oktubre 28.

Sa oras na ito, si Heneral Varardach, commander-in-chief ng mga hukbo ng Babilonia, ay naghahanda ng isang malakas na pag-atake upang salakayin ang India. Tulad ng kaugalian, tinawag niya ang kanyang mga salamangkero sa korte; Zaroes at Arfaxat. Humingi siya ng tulong sa mga diyos-diyosan sa posibling resolta ng pagsalakay ngunit walang siyang natanggap na tugon. Naniniwala sila na ang kanilang mga diyos ay tahimik dahil nandoon sila Simon at Judas. Kaya’t hiniling ng mga mago kay Varardach na dalhin ang dalawang apostol sa Korte.

“Ano ang misyon niyo dito?” Tanong ng heneral ng Babilonya.

Tumugon sila: “Kami ay mga alagad ni JesuKristo at dumating kami para sa iyong walang hanggang kaligtasan.”

“kayo ay makapangyarihan dahil nagtagumpay kayo laban sa aming mga diyos,” sinabi ni Varardach. “Sabihin niyo sa akin kung ano ang magiging kalalabasan ng labanan?”

Tumangging sumagot ang mga apostol ngunit pinahintulotan nila na ang mga idolo upang sagutin ang mga tanong ng mga salamangkero sa oras na ito. Ang mga diyos-diyosan ay sumagot na ito ay magiging isang mahaba at mahirap na digmaan na may maraming sugatan at patay sa magkabilang panig.

Sa galit, lumingon si Varardach sa dalawang mga apostol na nagpapasigla sa kanya at sabi: “Ang iyong mga idolo ay nagsisinungaling dahil bukas, sa oras na ito, ang iyong kalaban ay magpapadala ng mga embahador upang humingi ng kapayapaan, sa iyong mga termino.”

Hindi alam kung aling paraan upang humarap sa gayong magkakasalungat na bersyon, inutusan ni Varardach na arestuhin ang mga apostol at mago hanggang sa susunod na araw upang makita kung nagsasabi sina Simon at Jude ng katotohanan.

Tulad ng hula ng mga apostol, ang kaaway ay nagpadala ng embahada ng kapayapaan sa itinakdang oras at sa mga termino ng pangkalahatang.

Ini-utos ng Heneral habang tinuturo niya sina Simon at Judas: “Palayain ang mga lalaking ito!” Idinagdag niya: “Ilagay sina Zaroes at Arfaxat sa kamatayan.”

Ang mga apostol ay namamagitan: “Hindi, naparito kami upang magbigay buhay at hindi upang sirain ito.

Nagulat ang Heneral sa ganitong pag-uugali nina Simon at Judas at humanga sa kanilang pagtanggi na gantimpala sa kanilang paglilingkod. Dinala ni Varardach ang dalawang kalalakihan sa korte ng hari ng Babilonia.

Kailangang harapin ng mga apostol, ang mahiwagang mahika nina Zaroes at Arfaxat. Kahit na sina Simon at Jude ay nagligtas ng kanilang mga buhay, kinasusuklaman ang dalawang alagad ni Kristo dahil natalo nila ang kanilang mga paganong diyos. Ngunit, sa harapan ng buong korte ng Persia, sinakop ng dalawang apostol ang kapangyarihan ng mga mangkukulam. Nanatili sila ng ilang buwan sa Persia. Binago nila ang hari at libu-libong tao doon. Pinagaling nila at maraming tumulong sa pangalan ni Kristo.

SJ The Last Journey

Ang huling paglalakbay

Ayon sa tradisyon na pinagkakatiwalaan natin, si San Judas ay patuloy na naglalakbay bilang isang misyonero sa loob ng maraming taon upang pasampalatyahin ang maraming tao sa Mesopotamia, Armenia, Persia at marahil sa timog ng Russia.

Sa huling paglalakbay, siya ay dinala at binugbog ng mga grupo ng mga sumasamba sa diyusdiyusan, marahil sinuholan ito nina Zaroes at Arfaxat. Ngayon, dalawampung siglo na ang nakalipas, ang apostol ay inilalarawan pa rin sa isang kawani bilang memorya ng kanyang pagkamartir. Siya rin ay kinakatawan ng isang palakol dahil pagkatapos siyang binugbog hanggang sa kamatayan, siya ay pinugutan ng ulo gamit ang isang palakol.

Si San Judas ay madalas ding kinakatawan ng isang maliit na apoy sa kanyang ulo. Sa gayon ay naaalala natin na siya ay isa sa mga apostol na kung saan pumanaug ang Banal na Espiritu sa anyo ng mga wika at ng apoy. Pinagkaloob din siya ng mga wika na ibinigay sa mga apostol noong panahong iyon.

Sa loob ng maraming siglo, Ang mga katawan nina Simon at Judas ay inilibing upang magpahinga sa inang simbahan ng Sangkakristiyanuhan ni San Pedro sa Roma. Noong 1548, ipinagkaloob ni Pope Paul III ang isang plenary indulgence sa lahat na dumalaw sa libingan ni San Judas noong Oktubre 28 ng kapistahan niya.

Binanggit ni Eusebius si Hégésippe (namatay noong 180) at pinadala ang isang tradisyon na nagsasalita tungkul sa mga apo ni Judas. Tila nalaman ng Emperor Domitian na ang mga kamaganak ni Hesus (samakatuwid, ang mga inapo ni David) ay nanirahan sa Palestine. Tinanong niya tungkol sa kanilang mga paniniwala at paraan ng kanilang buhay. Sila ay mga magsasaka na nakatira at nagbabayad ng kanilang mga buwis sa pamamagitan ng magsaka ng mga maliliit na lupain. Nang tinanong sila ni Domitian sa impormasyon tungkol kay Kristo at sa kanyang Kaharian, sumagot ang mga apo ni Judas na ang kanyang Kaharian ay isang kahariang espiritwal. Pinalaya sila ng emperador at sa lalong madaling panahon, tumigil ang pag-uusig sa mga Kristiyano. Sa pag-uwi, ang mga apo ni Jude ay nagpatuloy sila sa kanilang misyon sa pamumuno ng mga lokal na simbahan sa Palestine. Kilala sila at iginagalang doon bilang mga magulang at mga saksi ng Panginoon (Kasaysayan ng Eklesikal III, 20).

 

Sulat ni Judas

Kabilang sa mga sinulat ng Bagong Tipan sa inspirasyon ng Banal na Espiritu upang mapangalagaan at gabayan ang ating pananampalataya ay isang liham na iniugnay kay “Judas ang lingkod ni JesuKristo at kapatid ni Santiago.” Ito ay tumutokoy sa “yaong tinawag ng Diyos, na matuklasan ang pag-ibig ng Diyos Ama, at iniingatan para kay Jesu-Cristo.” Sa madaling salita, ito ay para sa mga Kristiyano ( Judas 1:1). Sa Bibliya, ang liham na ito ay matatagpuan bago ang pang huling sulat, ang pahayag. Ito ay napaka-ikli. Naglalaman lamang ito ng isang kabanata ng 25 na taludtod. Sa halip na isang sulat, ito ay isang payo upang manatiling matatag sa pananampalataya kay Kristo laban sa mga nagsisikap na sirain o tanggihan ang paniniwala na iyon. Ipinakilala ng modernong pananaliksik sa Bibliya na may mga mabuting dahilan

Ipinakilala ng modernong pananaliksik sa Bibliya na may mga mabuting dahilan upang isaalang-alang ito at hindi isinulat ng isang apostol: 1) Tinutukoy nito ang mga hula na ginawa ng mga apostol na parang galing sa nakaraan ( Judas 1, 17-18). 2) Itinuturing nito ang ilang mga turo sa pananampalataya na naayos at natukoy na ( Judas 1:3). Sa kadahilanang ito, ang mga iskolar ay gumawa ng dalawang pangunahing pagpapalagay tungkol sa pinagmulan ng sulat na ito. Ang ilan ay nakikilala si Judas, kapatid ni Santiago na sumulat ng liham na ito, at si Judas ay isa sa Labindalawang Apostol. Isinasaalang-alang ng iba na ang ilan sa mga liham na iniugnay sa mga apostol ay, sa katunayan, isinulat pagkatapos ng kanilang pagkamatay. Nais na mapanatili ang kwento ng buhay ng mga apostol sa turu ng Simbahan. Walang argumento na natagpuan upang makilala ang dalawang Judas, mas maganda na tingnan ang liham na ito bilang pagpapatuloy ng isang alagad, pagpapahayg ng mga payo ng apostol at malapit na kamag-anak ni Kristo. Mayroong ilang mga rekomendasyon mula sa sulat ni Judas na isang pag-uulit ng ikalawang liham na maiugnay kay Pedro.

Ang may-akda ng liham ay isang apostol at alagad ni JesuKristo. Ang mga apostol ay mga tao na magkaugnay sa isang espesyal na paraan ng Panginoong Hesus sapagkat sila ang pinili Niya para sa isang partikular na ministeryo sa Simbahan. Kinilala din ang may-akda bilang kapatid ni Santiago, isang mahusay at kilala sa papel na ginampanan niya sa Inang Simbahan ng Jerusalem at para sa pagkamartir na kinoronahan ang kanyang ministeryo. Ipinagtanggol ni Judas ang pananampalatayang Kristiyano laban sa ilang mga paraan ng pag-iisip (Gnosticism) na nagsimulang kumalat. Binibigyang diin niya ang pagpupursige sa pananampalataya na natanggap ng mga Kristiyano at pag-iingat laban sa pamahiin na kulto ng mga anghel na kumakalat ng mga Gnostics. Ang pagsamba na ito kung minsan ay inilalagay ang mga espiritu sa itaas ni Kristo mismo.

Pagkatapos, ang liham ay patuloy na hinihikayat ang mga naniniwala na mamuno ng buong buhay na Kristiyano na may mga sumusunod na katangian: 1. Panindigan ang pananampalataya bilang pundasyon ng lahat. 2. Manalangin sa Espíritu. Dito labis na naantig si Judas sa mga unang pamayanang Kristiyano at kung saan iginiit ni Pablo: Ang pagdarasal ay palaging gawain ng Espiritu na nananahan sa ating mga puso. Ang mga Kristiyano ay hindi lamang nagdarasal sa Espiritu kapag nananalangin sila ng mga wika (isang karismatik na kababalaghan na madalas sa unang Simbahan), at sa tuwing pinapayagan nila ang kanilang sarili na humogin ng Espiritu ng Panginoon. Binanggit din sa liham ang pangatlong elemento na, mas kawili wili: inaanyayahan tayo tignan ang apostolate. Inaanyayahan ang lahat ng mga Kristiyano na kahabagan ang mga nag-aalinlangan sa kanilang pananampalataya, hilain ninyo ang mga nasa apoy upang masagip sila. Mahabag kayo sa iba na taglay ang takot; kamuhian ninyo pati ang mga damit nilang nabahiran ng kahalayan ( Judas 1:22-23). Sa liham na ito makikita ang tanong ni Judas kay Kristo sa Ebanghelyo ni Juan: “Panginoon, bakit hindi mo ipakilala sa mundo ang iyong sarili?” Nangunguhulugang, napansin ni San Cyril ng Jerusalem at San Cyril ng Alexandria na masigasig ang pinsan ng Panginoon. Ang liham ni Judas ay tiyak na naghahayag sa atin ng isang labis na pag-ibig sa Diyos at isang mahabagin na debosyon kay JesuKristo na ating Panginoon.

 

Ang Lugar ng mga Banal sa Simbahan

Matapos ang mabilis na suriin ang talambuhay ni San Judas at aralin ang mga tanyag na tradisyon na pinarangalan ang kanyang memorya sa Simbahan, medyo nararapat tayong magtaka kung bakit siya ngkaroon ng ganun ka dami ng debosyon. Si Judas ay isang walang-pagod na disipulo, na patuloy na inilaan ang kanyang sarili para kay Kristo. Malapit siya kay Hesus, hindi lamang bilang isang malapit na kamag-anak kundi bilang isang disipulo at apostol na nanguna at hinikayat ang mga Kristiyanong simbahan.

May mga taong nagtataka sa wastong uri ng debosyon o sa paggawa ng mga invocations o novenas. Ang iba ay natatakot na sa pamamagitan ng pagpapakita ng debosyon sa isang santo, kahit na ang santo ay naging malapit kay Hesus, ibabaling ng mga tao ang kanilang pansin sa kanya kaysa kay Kristo. Gayunpaman, ang kasong ito ay bihira. Alam ng mga Kristiyano na may isang Tagapamagitan lamang, si JesuKristo, na walang tigil na nananalangin sa Ama para sa atin.

Tila kapaki-pakinabang na maalala dito ang pinagkasunduan ng mga pamayanang Kristiyano, hindi lamang sa Simbahang Katoliko kundi sa iba pang paniniwala, sa paksa ng paraan sa dasal sa mga santo. Nakakatulong ito upang ilagay ang debosyon kay San Judas sa tamang pananaw. Para sa ganon magkaroon ang mga Katoliko ng debosyon na marapat kay San Judas mismo at kay JesuKristo, ating Panginoon.

Higit sa lahat, ang mga santo ay mga modelo ng buhay Kristiano. Sila ay mga disipulo ni Kristo kung saan lumago sa biyaya na kaya nilang mapagtagumpayan ang kahinaan ng tao. Ang mga ito ay produkto ng biyaya ng Diyos. Ang pagpasok nila sa kaluwalhatian ay hindi naglalayo sa atin buhay. Sa halip, ito ay naka ukit sa ating buhay mula pa noong umpisa. Ito ang pandaigdigang turo sa kasamahan ng mga banal. Ang mga banal na ito ay bahagi ng ating pamilya, ang pamilya ni Kristo. Ito ang dahilan kung bakit sila namamagitan sa harap ng Diyos para sa atin. Ang kanilang mga kahilingan ay hindi nagdagdag ng mga bagay ni Kristo. Sa kabaligtaran, ang buhay ng Panginoon ay nakipag-ugnayan sa kanila sa kanyang panalangin. Kapag nanawagan tayo sa mga santo, sumasali tayo sa kanilang dalangin. Isinasama natin ang ating mga pangangailangan sa kanilang pananampalataya, kanilang pag-asa at kanilang pagmamahal. Alam natin na ang hinihiling natin ay sa kalaunan ibibigay ni Kristo.

Ito ang ibig sabihin ng mga Kristiyano sinasabi nila “Sumasampalataya ako sa Diyos” sila ay naniniwala sa kasamahan ng mga banal. Ang Simbahan ay bumubuo ng isang mystical body na ang ulo ay si Kristo at ang mga miyembro ay ang mga tapat sa mundo, mga kaluluwa sa purgatoryo at mga santo sa langit. Manalangin tayo para sa mga kaluluwa sa purgatoryo at, bilang kapalit, ang mga santo sa langit ay humihiling ng awa ng Diyos sa atin.

Itinuturo sa atin ng Second Vatican Council na habang tinitingnan natin ang buhay ng mga tapat na sumunod ni JesuKristo, pinukaw tayo upang hanapin ang Lungsod na darating. Ang mga buhay ng mga taong nagbahagi ng ating sangkatauhan ay nabago sa atin sa perpektong imahe ni Kristo, ipinakita ng Diyos ang Kanyang mukha at kaluwalhatian sa isang nakasisilaw na paraan.

Ang Second Vatican Council ay nagtataguyod sa turo ng Council of Trent na: “Napakarapat na ibigin ang mga kaibigan at ang mga tagapagmana ni Hesu-Kristo, na ating mga kapatid at pambihirang mga tagapagpala. Kaya’t nagpapasalamat tayo sa Diyos para sa kanila, humingi ng kapatawaran para sa kanila at para dulogan ang kanilang mga dalangin, sa kanilang tulong upang makatanggap ng mga biyaya mula sa Diyos, sa pamamagitan ni JesuKristo, kanyang Anak, ating Panginoon na ating tanging tagapagtubos at tagapagligtas.”

StJuderelic

Personal na Debosyon sa isang Santo

Batay sa mga rekomendasyon mula sa Banal na Kasulatan at sa mga turo ng mga Ama ng Simbahan, alam natin na nararapat na humingi tayo ng tulong sa mga santo upang makakuha ng mga pabor mula sa Ating Panginoon. Tulad ng ipinagpapatunay ni San Jerome: “Kung ang mga apostol at martir ay nananalangin para sa iba nong nabubuhay pa sila at kung kailan dapat nilang unahin
ang kanilang sarili; gaano pa kaya pagkatapos silang koronahan, sa pagwawagi at pagtatagumpay.
Kululangin ba ang kanilang kakayahan pagkatapos nilang makasama si Kristo?”

Ang personal na debosyon sa isang santo tulad ni San Judas ay madaling unawain sa turo ng Simbahan tungkol sa pamamagitan at panalangin ng mga banal. Sa mga santong hinihingian natin ng tulong, pinipili nating yong buhay at katangian na kaakit-akit sa satin. Ang mga ina ay kadalasan na dumodulog sa Birheng Maria, habang ang mga ama naman ay kay San Jose, at sa mga nahaharap sa imposibleng sitwasyon ngayon ay bumaling kay San Judas.

Ang diwa ng debosyon ay ang pagkakatulad sa mga santo. Bihira lamang na mangyare na walang mag babago sa buhay natin kapag nagdadasal ang mga santo sa atin. Isa sa mga pangunahing dahilan na hinihikayat ng Simbahan ang debosyon sa mga santo para tayo pasiglahin na tularan ang kanilang mga kabutihan.

Halimbawa, habang inaalala natin ang buhay ni San Judas, inaalala natin ang kanyang pananampalataya at debosyon kay Kristo na ipinahayag sa atin ng kanyang walang pagod na ministeryo at pakikibaka. Kapag nahihirapan tayo o tinutukso, ang debosyon kay San Judas ay nagbibigay sa atin ng lakas ng loob para humingi sa kanya ng tulong. Kaya’t ito ang rason kung bakit tayo maniniwala na sasagutin ang ating dalangin. Kung nais nating bigyan ng malalim na kahulogan.

Kung nais nating bigyan ng malalim na kahulogan ang ating debosyon kay San Judas, dapat tayong maglaan ng oras, sa pagiging tahimik ng ating mga puso, upang maalala natin ang buhay ng santo na ito. Siya ay unang naging tao bago siya naging rebolto. Siya ay nagkaroon ng napakalaking kalamangan ng pagiging isang kasama ni Kristo, ngunit siya ay gayunman isang tao. Tayo naman ay sasamahan ni Hesus sa ating pananampalataya, sa ating panalangin, sa ating pag diriwang ng Eucaristiya, sa ating paglilingkod sa mga mahihirap at may sakit na kinikilala ni Hesus.

Bukod dito, sa mahabang taon ng pakikibaka ay nabuhay ni San Judas pagkatapos ng Pag-akyat ng ating Panginoon, nanirahan siya sa gitna ng isang lipunan na mas pagano at mas sekular kaysa sa atin. Ang mga tukso na kanyang nalampasan ay hindi madali.

Kailangan niyang sabihin na “hindi” kahit mahirap. Iningatan niya ang mga biyayang binigay sa kanya sa pamamagitan ng panalangin at pagsisi tulad natin lahat. Kailangang matutunan niyang tanggapin ang mga pagtanggi, pang-iinsulto at pagpuna para sa pag-ibig ni Kristo. Napagtibay siya sa pamamagitan ng pakikibaka at paghihirap para maging perpekto ang pagtanggap sa kalooban ng Diyos. Marami ang maaring malaman tungkol sa kung paano natin makamit ang isang buhay ng kabanalan, isa na dito ay sa pamamagitan ng pagninilay sa buhay ni San Judas.

Ang debosyon na hindi ginagaya ay hindi isang debosyon kundi isang guwang na panunuya sa layunin ng Panginoon sa mga santo. Binigay sa atin ang mga santo bilang mga halimbawa na dapat sundin upang makamit ang kabanalan. Hanggang sa tayo ay naaakit sa kanilang ibat-ibang mga katangian na maaaring wala sa atin. Ang mga katangian na ito ay kinakailangan din kung nais natin mapabilang sa mga santo sa kawalanghanggan ng papuri sa Banal na Trinidad.

Nangangahulugan ito na lalo na habang gumagawa tayo ng isang novena, siyam na araw ng mga espesyal na panalangin at debosyon upang makakuha ng isang pabor sa isang santo ng ating Panginoon, pagsikapan natin na tularan ang mga pinaka kapansin-pansing mga katangian ng santo.

Ang isang novena ay hindi lamang isang mabilis na paraan upang makakuha ng isang partikular na pabor, ito ay isang oras na inilalaan natin upang subukan na isabuhay ito sa ating pangunahing sarili ang katangian ng santo. Ang isang novena ay maaaring magdala ng isang mahalagang papel sa pag-unlad sa ating buhay espiritual.

Si Bossuet, isang mahusay na taong-simbahan ng Pransya, ay nagbubuo ng totoong debosyon sa mga banal sa pamamagitan ng pagsulat: “Ang mga Kristiyano ay dapat gayahin ang kanilang pinupuri. Lahat ng bagay sa ating debosyon ay dapat magbigay inspirasyon sa ating buhay. Ang palagiang tradisyon at pagtuturo ng Simbahang Katoliko ay nagpapaalala sa atin na ang pinakamahalagang elemento sa debosyon sa isang santo ay ang pagsunod sa kanilang halimbawa.”

 

Debosyon kay San Judas

Nakakapagtataka kung gaano kabilis lumago ang debosyon kay San Judas sa mga nakalipas na panahon. Ang mga debosyon sa Labindalawang Apostol at kay San Pablo ay buhay na buhay sa mga araw ng mga Ama ng Simbahan at noong Middle Age. Ang pagkakaroon ng kanilang mga estatwa sa ilalim ng beranda ng mga simbahan ng Romanesque at basilicas ay bumabati sa mga nanampalataya. Pinalibutan din nila si Kristo sa apur sa likod ng altar. Sina San Pedro at San Pablo din ay nagkaroon ng malawak na debosyon sa mga apostol. Hanggang sa huling bahagi ng Middle Ages na ang debosyon kay San Judas ay binigyang diin ng ilang kilalang mga banal.

Ang dakilang San Bernard ng Clairvaux, na namatay noong 1153 at ipinahayag na Doctor of the Church noong 1830, ay tila nagkaroon ng isang malakas na personal na debosyon sa santo ng imposible.

Ang isa pang santo sa medieval, Santa Birgitta ng Sweden, ay may dakilang debosyon kay San Judas. Ipinanganak siya sa simula ng ika-14 na siglo at na-canonized sa pagtatapos ng parehong siglo.

Kilala si Santa Birgitta sa maraming mga pangitain na mayroon siya na pinasa sa atin sa pamamagitan ng kanyang mga pahayag. Sa isa sa kanyang mga pangitain, sabi ng ating Panginoon sa banal na babaeng Suweko na dumolog nang may higit na pagtitiwala kay San Judas. Sinabi ng ating Panginoong: “Tulad ng ipinahihiwatig ng kanyang palayaw: Thaddeus, siya ay mabait at mapagmahal at masaya siyang tulungan ka.”

Sa ibang pangitain, Si Kristo ay humiling kay Santa Birgitta na mag-alay ng isang dambana kay San Judas sa kanyang simbahan. “Ang ikalimang dambana”, sinabi niya, “ay dapat kay Thaddeus, sa pamamagitan ng kadalisayan ng kanyang puso ay walang alinlangan na mapagtagumpayan ang demonyo.”

Kahit na ang debosyon kay San Judas ay hindi lubos na nawala, mahirap makahanap ng anumang bakas nito sa pagitan ng Middle Ages at ika-19 na siglo. Dahil si San Judas ay isa sa Labindalawang Apostol, siguro mayroong ilang uri ng debosyonal sa publiko na para sa kanya, bagaman hindi ito masyadong kilala.

Iba’t ibang mga libro ang nai-publish sa Italya at Espanya tunkol kay San Judas noong ika-19 na siglo. Ito ay tanda ng isang panibagong interes ng debosyon sa tanyag na santong ito.

The National Shrine of St. Jude was founded in 1929 and still serves as a beacon of hope on the south side of Chicago and around the world.

Makabagong debosyon kay San Judas

Ang unang makabuluhang pagpapakita ng malawak na debosyon kay San Judas sa Western Hemisphere ay naganap sa Chile noong 1911. Ang Claretian Missionaries, na itinatag sa Espanya ni San Anthony Marie Claret noong 1849, ay nagtayo ng isang malaking santuario na nakatuon sa apostol. Ang dambana na ito ay patuloy na nakakaakit ng maraming mga mampepetisyon hanggang ngayon. Lumaganap ang debosyon sa bawat bansa sa Timog Amerika mula sa dambana na ito..

Ang isa pang dambana ni Sas Judas ay itinatag din ng Claretian Missionaries sa Chicago noong 1929. Ito ay tinawag na National Shrine of St. Jude. Ito ang unang pangunahing dambana na nakatuon sa kanya sa Estados Unidos.

Ang kasaysayan ng dambana na ito ay nagpapahiwatig ng mabilis na dami ng debosyon kay San Judas mula pa noong simula ng ikadalawampu siglo. Noong 1923, si Padre James Tort, isang Claretiano na nakatalaga sa Prescott, Arizona; natuklasan niya ang kanyang debosyon kay San Judas, ang patron ng bigong layunin at walang pag-asa, sa pamamagitan ng isang larawan na may panalangin kay San Judas. Di-nagtagal, tinanong siya ng kanyang mga superyor na itayo ang Simbahan ng Notre-Dame de Guadeloupe, timog-kanluran ng Chicago. Ang isang parishioner kaagad ang nag-donate ng isang rebulto ni San Judas sa simbahan. Inilagay ito sa simbahan noong 1927, kasama ang rebulto ng Little Flower.

Ito ay sa paligid ng parehong oras na ang isang pampublikong novena sa Little Flower ay para sa mga bokasyon habang ang novena kay San Judas ay para humingi ng tulong upang matapos ang pagtatayo ng simbahan. Ang rebulto ng Little Flower ay nilagay sa harap ng simbahan habang ang estatwa ni San Judas ay nakalagay sa gilid.

Ngunit, sa loob ng ilang buwan, nakakamanghang isipin na sa dami ng mga parokyano na dumolog kay San Judas nagging kila-la ang rebultong ito. Kalaunan sa taong ito ang unang solemne pampublikong novena ay ginanap para sa santo. Natapos ito sa araw ng kapistahan ng San Judas at dahil naging popular ito daan-daang tao ang kailangang manatili sa labas ng simbahan dahil sa daming tao noong huling araw ng novena.

Noong 1929, makalipas ang dalawang taon, ang santuario ay canonically itinayo. Kinilala ito ng Holy See na “National Shrine of St. Jude.” Ang mga plenary indulgence ay binigyan ng maraming araw sa loob ng isang taon at indulgence sa bawat panalangin bilang parangal kay San Judas sa dambana na ito.

Sa parehong taon nag umpisa ang St. Jude League. Ang samahan na ito ay may libo-libong mga miyembro sa Estados Unidos at sa iba pang mga bansa na nagpapatunay sa pag dami ng mga interesado at deboto sa nakalimutan na santo.

Noong 1930, si Padre James Tort ay isang chaplain. Ang mga Katolikong kapulisan ng Chicago ay nagbuo ng isang sangay ng pulisya ng St. Jude League, bilang kanilang patron sa mga desperadong caso, at tagapagtanggol.

Pagkalipas ng maraming taon, marami pang ibang mga dambana at publikasyon ang nakatuon kay San Judas. Sinabi ni Father Joachin de Prada, director ng dambana, “sa Estados Unidos, mayroong maraming mga simbahan na nakatuon kay San Judas kaysa sa sinumang iba pang santo, maliban sa Mahal na Birhen.”

Ang balita tungkol sa debosyon kay San Judas ay umabot sa Claretian araw-araw mula sa buong mundo. Ang lumalagong interes sa santo na ito ng imposible, ang patron ng pag-asa at mahirap na mga sanhi, pagkatapos ng higit sa kalahating siglo; ay isang palatandaan na ang kamay ng patunay ay nasa trabaho. Ang pagbabago sa ispiritwal na buhay ang inidulot ni San Judas sa libu-libong mga tao, at siyang nagpapalusog ng kanilang pananampalataya. Ang pagiging masigasig

Ang pagiging masigasig ni San Judas ay ipinapakita pa, pagkatapos ng dalawampung siglo, sa anyo ng malawak na debosyon sa publiko. Hinikayat niya ang marami na lumapit sa kanya at inalok sa kanila ang kanyang Pagiging-apostol. Malaki ang epekto niya sa maraming tao. Hindi malinaw kung paano siya ay tinawag na “santo ng imposible” ngunit naaangkop ito sa kanya.

At hindi lamang ang mga nawawalan ng pag-asa o kung sino ang desperado na humihimok dito, kundi nakakaaliw ito sa iba at nagbibigay lakas sa pamamagitan ng kanyang panalangin para sa kanila sa ngalan ng Ama. Noong 21 na siglo, siya rin ay naging patron ng mga gustong sunding ang kanyang pagsisikap sa pag papahayag ng salita ng Diyos sa ilalim ng mahirap na kalagayan. Siya rin ang patron ng mga misyonero na nagtatrabaho sa mahirap na lupain at ng mga layko na patuloy na nagtuturo sa salita at gawa sa secular na lipunan. Si San Judas, para sa lahat, ay nananatiling isang modelo ng alagad ni Kristo.

Siya ang ating kaibigan, at siya rin ay kaibigan ng ating Manunubos. At kung naisin natin ang pagkakaibigan kay Kristo, mahahanap natin ang isang nanabik na intercessor, handang tumolong sa atin upang tayo ay makapaghanda para sa malapit na pagkakaisa sa ating Manunubos, pagkakaisa na mag umpisa dito sa mundo at makakamit ang tunay na katuparan na ito sa walang hanggan.

San Judas, ipanalangin mo kami!

Panalangin kay San Judas

Pinaka banal na Apostol, San Judas, matapat na tagapaglingkod at kaibigan ni Hesus, pinararangalan ka ng Simbahan at nanawagan ang buong mundo sayo bilang patron ng pag-asa. Pakiusap, ipanalangin mo ako. Gamitin mo ang pribilehiyong binigay sayo na magdala ng pag-asa, kaginhawaan, at tulong sa mga nangangailangan. Tulungan mo ako sa aking mga malaking pangangailangan, nawa’y makatanggap ako ng saklolo mula sa Langit upang harapin ang aking mga pagsubok, lalo na (sabihin ang iyong kahilingan dito). Pinupuri kita Panginoon at ng lahat ng mga santo magpakailanman. Ipinangako ko, Mapalad na San Judas, na laging manatiling mapagpasalamat sa dakilang tulong mo, na patuloy kitang parangalin bilang aking espesyal at makapangyarihang patron at pasasalamat na palakasin ang loob ko bilang isang deboto mo. Amen.

Itinatag ng mga Claretians ang St. Jude League noong 1929 upang maging isang nonprofit na samahan ng non-Claretian na nakatuon sa pagpapalawak ng mga programa ng pag-asa at pagbabago ng Claretian, at saka paunlarin ang debosyon kay San Jude sa Estados Unidos. Nagbibigay ito ng mga operasyon ng suporta para sa ilang mga ministeryo ng Claretians sa Estados Unidos. Ang pangunahin mga ministries:

  • Pag-aalaga at pagpapanatili ng isang debosyon kay San Jude, ang patron ng pag asa sa buong Estados Unidos.;
  • Mga programang pang-sosyal-hustisya at pagbuo ng komunidad sa loob ng mataas na kahirapan, lunsod, pamayanan ng Hispanic;
  • Paglathala ng mga periodical at materyales upang matulungan ang mga Katoliko na mabuhay ang kanilang pananampalataya sa Estados Unidos ngayon; at
  • Paglathala ng mga pang-panahong pang wika at materyales upang suportahan ang Hispanic ministeryo at pag-unlad ng pamumuno sa Simbahang Katoliko.

Ang misyon ng St. Jude League ay ang pagbuo ng matatag na negosyo at magkaroon ng ministry support operation pang suporta sa ministeryo ng mga Claretian. Kasama dito ang pagpapalawak ng base sa pananalapi upang pondohan at ang base ng talento upang suportahan at palawakin ang mga makapangyarihang ministro ng pag-asa, katarungan, edukasyon, serbisyong panlipunan, pag-iwas sa karahasan, at pag-unlad sa mga pamayanan na pinaglingkuran ng mga Claretians.